
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / June 3, 2014) – Isang sundalo ang sugatan sa sagupaan ngayon Martes sa grupo ng New People’s Army sa lalawigan ng Bukidnon sa northern Mindanao.
Hindi pa mabatid kung may casualties sa panig ng NPA, ngunit kinumpirma naman naman ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, na nabawi ng mga tropa ang isang M16 rifle at isang .45-caliber pistol na naiwan ng mga rebelde.
Nagpapatrulya ang mga sundalo ng matiyempuhan ang mga rebelde, subali’t ayon kay Caber ay itinimbre umano ng mga residente sa militar ang pagdating ng mg rebelde sa lugar.
Ipinag-utos rin ni Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Ricardo Rainier Cruz III sa mga tropa na tugisin ang mga rebelde. “There is no let up against these criminals. We are supporting the PNP in their law enforcement operations,” sabi pa ni Cruz. (Mindanao Examiner)