KIDAPAWAN CITY – Isang malaking sunog ang lumamon kaninang umaga sa mga kabayahan sa Kidapawan City sa North Cotabato province, ngunit wala naman inulat na nasawi o nasaktan sa mala-impyernong apoy na tumupok sa 24 na kabahayan dito.
Mahigit sa 100 ang tinatayang nawalan ng tirahan sa kahabaan ng Purok Chiko Mariano Cuenco Street sa Barangay Poblacion.

Sa panayam kay Francisca Cañete, ang purok president, nabatid na dakong alas-8:30 ng umaga nagsimula ang sunog at pasado alas 10:00 na ito tuluyang naapula. Ayon sa ulat, nagmula ang apoy sa bahay na pagmamay-ari ng pamilyang Abelgas.
Pumutok umano ang plangka ng kuryente hanggang sa kumalat ang apoy sa kanilang kurtina at nadamay ang motorsiklong nakaparada. Lalo pang lumaki ang apoy dahil sa dahil sa gasolina ng motorsiklo. Nasa tatlong motorsiklo ang nasunog, gayun rin ang isang inahing baboy at lahat ng mga gamit ng 24 na mga kabahayan na gawa sa “light materials.”
Pansamantalang ginamit bilang evacuation center ng mga apektadong pamilya ang covered court sa Barangay Magsaysay. (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates