
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / Oct. 28, 2012) – Sunod-sunod na niyanig ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte, ngunit wala namang inulat na sugatan o pinsala sa mga gusali.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay sinabi nito na natunton nila ang sentro ng lindol halos 104 kilometro mula sa bayan ng Burgos. Naganap ang lindol kamakalawa ng hating-gabi, ngunit tatlo pang lindol ang unang tumama sa nasabing bayan.
Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig halos 40 kilometro ang lalim sa lupa. Ang tectonic ay ang paggalaw ng mga plates ng kalupaan na siyang sanhi ng kalimitang lindol.
Ang Pilipinas ay nasa tinatawag na “Pacific ring of fire” na kung saan ay nasa ilalim ng karagatan ng bansa ang napakaraming mga bulkan na isang dahilan sa patuloy na pagyanig sa ibat-ibang bahagi ng bansa. (Mindanao Examiner)