
Ang mapa na inilabas ng PHILVOCS kaugnay sa lindol na naganap sa Surigao del Sur. (Mindanao Examiner)
CAGAYAN DE ORO CITY (Mindanao Examiner / Apr. 3, 2012) – Niyanig kahapon ng lindol ang lalawigan ng Surigao del Sur sa Mindanao, ngunit wala naman inulat na sugatan o pinsala sa mga buildings doon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) ay naitala ang lakas ng lindol sa 4.5 sa Richter scale at naramdaman rin ito sa lungsod ng Bislig, Butuan at bayan ng Lingig.
Tectonic ang sanhi ng pagyanig na naitala dakong alas 12.55 ng tangahli, ayon pa sa PHILVOCS.
Natunton naman ng ahensya ang sentro ng lindol halos 33 kilometro mula sa Lingig. Agad rin pinawi ng PHILVOCS ang anumang pangamba ng tsunami. (Mindanao Examiner)