Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Suspek sa 2010 Zambo airport bombing hawak ng NBI
  • Featured
  • Mindanao Post

Suspek sa 2010 Zambo airport bombing hawak ng NBI

Desk Editor March 31, 2016

Aug-5-152-copy

Ito ang kinalabasan matapos ng 2010 Zamboanga airport bombing na kung saan ay isang suicide bomber ang nasa likod ng pagsabog. Nagkalasog-lasog rin ang katawan ng bomber na si Reynaldo Apilado. (Mindanao Examiner Photo)
Ito ang kinalabasan matapos ng 2010 Zamboanga airport bombing na kung saan ay isang suicide bomber ang nasa likod ng pagsabog. Nagkalasog-lasog rin ang katawan ng bomber na si Reynaldo Apilado. (Mindanao Examiner Photo)

Aug-5-208-copy Aug-5-226-copy

MANILA – Hawak na ngayon ng National Bureau of Investigation ang isa sa mga iniuugnay sa 2010 suicide bombing sa Zamboanga International Airport na kung saan ay 2 katao ang nasawi at marami ang sugatan.

Nakilala ang suspek na si Addong Salahuddin na ngayon ay nasa pangangalaga ng NBI central office. Target ng pambobomba si dating governor ng Sulu na si Sakur Tan at kanyang pamilya.

Palabas ng airport si Tan at anak nitong si Samier ng sumabog ang bomba na bitbit ni Reynaldo Apilado at kasamang si Hatimil Haron. Parehong patay ang dalawa sa lakas ng pagsambulat ng bomba.

Hindi naman agad makunan ng detalye ang NBI sa pagsuko o pagkakadakip kay Salahuddin na sinasabing tauhan ng isang pulitiko sa Sulu na isa sa mga kalaban naman ni Tan. Si Tan ay tumatakbo ngayon bilang gobernador ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang pagkuha ng NBI kay Salahuddin ay naganap matapos na mapatay sa ambush si dating Pangutaran mayor Ahmad Nanoh nitong Marso 17 sa Zamboanga City. Sakay ng kanyang pick-up truck si Nanoh ng ito’y birahin sa Barangay Tetuan. Hindi pa malaman ang motibo sa atake, ngunit dawit rin ito sa Zamboanga airport bombing.

Nabatid na balak umanong lumabas sa publiko ni Nanoh at magsilbing state witness upang sabihin kung sino ang mastemind ng tangkang pagpatay kay Tan. Noon 2009 ay binomba rin ang convoy ni Tan sa bayan ng Patikul at sugatan rin ito, gayun rin si Pandami town mayor Hatta Berto at 9 iba pa, at ayon sa pulisya ay Abu Sayyaf ang nasa likod ng atake at ang mastermind ay mga kalaban rin ni Tan sa pulitika. (Mindanao Examiner)

Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Call for justice after Israeli killing caught on video – Al Jazeera
Next: Supreme Court rejects petition by dismissed ARMM school official

Related News

Claire-Castro-RTVM
  • Mindanao Post
  • National

‘Major step’: Palace lauds $10-M climate grant for Tawi-Tawi project

Desk Editor May 7, 2025
P20rice-PIA
  • Featured
  • Visayas

Tears of gratitude: Elderly Cebuano first to benefit from PBBM’s P20 Rice Program

Desk Editor May 7, 2025
Dr-Kristian-PIA
  • Health
  • Mindanao Post

Bone Marrow Transplant Center to open in Davao by 2028

Desk Editor May 7, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.