Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Suspek sa Gensan Blast, natimbog!
  • Featured
  • Mindanao Post
  • National

Suspek sa Gensan Blast, natimbog!

Desk Editor September 22, 2018

NORTH COTABATO — Nahulog na sa kamay ng mga otoridad ang pangunahging suspek sa pambobomba sa General Santos city na ikinasugat ng walo katao, matapos na mahuli sa inilatag na anti-drug operation sa Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ni PNP 12 spokesperson Police Supt. Alrin Gonzales ang suspek na si Jeffrey Panag Alonzo, taga- Barangay Lapu-Lapu, Polomolok, South Cotabato.

Ayon kay Gonzales, nadakip si Alonzo sa buy-bust operation at positibo siyang itinuro ng mga testigo na nag-iwan at nagpasabog ng bomba.

Sinampahan na ng kasong multiple frustrated murder ang nadakip na suspek.

Lumabas sa imbestigasyon na may personal na galit ang nag-udyok sa suspek na bombahin ang ilang business establishment na pag-aari ng kanyang mga kamag-anak.

Sinasabing may ugnayan sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Maute Group ang nadakip na suspek na miyembro umano ng Nilong Group na isa sa mga symphatizer ng napatay na lider ng Ansar Al-Khalifah Philippines (AKP) na si Tokboy Maguid.

Nabatid na nag-iwan ng walo katao na sugatan ang nangyaring pagsabog sa isang karinderya sa panulukan ng Makar sa Barangay Apopong, General Santos City, nitong Setyembre a-16.

Dahil dito, itinaas na rin ang alerto ng seguridad na ipinapatupad sa North Cotabato matapos na pinasabog din nitong Biyernes ng gabi ang isang hinihinalang baggage na may lamang bomba sa bayan ng Midsayap.

Nabatid na ang pagsabog sa Gensan ay pangatlong insidente ng pambobomba sa South Central Mindanao ang unang magsunod ay nangyari sa Isulan, Sultan Kudarat na ikinasawi ng lima katao at hindi bababa sa 40 katao ang sugatan. (Rhoderick Beñez)

 

 

 

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Letters from Davao: Who are we rallying against? By Jun Ledesma
Next: Shut down mining activities!

Related News

ZC1
  • Mindanao Post

Zamboanga Winners Proclaimed

Desk Editor May 13, 2025
PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road Home-Credit1 3

Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road

May 10, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 4

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 5

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.