COTABATO CITY — Hawak na ng pulisya ngayon ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang opisyal ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa pulisya, nadakip ang suspek sa kanyang hideout sa Cotabato City na kung saan rin nito diumano pinatay si Norodin Manalao, ang Executive Director ng Regional Reconciliation and Reunification Commission, nitong buwan lamang.
Napatay si Manalao habang hinihintay nito ang asawa mula sa pamamalengke.
Hinahanap pa umano ang isang suspek na nagsilbing lookout sa nasabing krimen. Hindi inilabas ng pulisya ang pangalan ng dalawang suspek dahil sa isinasagawang interogasyon sa trigger man. Ngunit ayon sa ibang sources ay Nasser diumano ang pangalan ng nadakip na lalaki.
Nasa kustodiya na rin ito ng Criminal Investigation and Detection Group sa Cotabato City. Nais umanong malaman ng pulisya ang motibo at kung sino ang utak o nag-utos na patayin si Manalao. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News