
MATI CITY (Mindanao Examiner / June 1, 2012) – Tukoy na umano ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang guro sa Mati City.
Si Alejandro Bartolay, Jr., ay binaril ng isa sa 3 lalaki nuong Mayo 19 habang sakay ito sa kanyang motorsiklo at kasama pa ang dalawang anak. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit naglabas na ang pulisya ng composite computer sketch ng isang suspek.
Ang biktima ay isang guro sa Tarragona Elementarty School.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang nasabing suspek at umapela ang pulisya sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanila ang anumang impormasyon ukol sa mga criminal.
Binaril sa mukha si Bartolay na nasaksihan ng mga anak nito at iba pang katao sa lugar ng maganap ang atake at siyang nagbigay daan upang mailabas ng pulisya ang sketch ng suspek. Nakatakip naman ang dalawang iba pang kasamahan ng killer kung kaya’t hindi agad ito nakilala. (Pepet Quinones)