
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Apr. 7, 2012) – Wala pa rin linaw ang kaso ng pagpatay sa isang university president sa Zamboanga City, ngunit iginigiit naman ng pulisya at ng lokal na pamahalaan na napatay na sa labanan ang diumano’y suspek sa krimen at nadakip pa ang isa.
Naunang sinabi ng pulisya na napatay sa isang shootout ang gunman na suspek sa pagpaslang kay Dr. Arturo Eustaquio III kamakailan matapos na bumunot ito ng baril ng makakita ng parak sa isang peryahan sa Barangay Putik. Sakay umano ng motorsiklo ito at isa pang lalaki ng lalapitan sana ng mga parak upang kapkapan, ngunit nanlaban umano.
Ipinadala naman agad sa crime laboratory ng pulisya ang .45-caliber pistol na nabawi sa napatay na lalaki upang mabatid kung ito ba ang ginamit sa pagpatay kay Eustaquio na binaril sa Barangay Santa Maria nitong Abril 1.
Nanawagan naman ang Inter-Religious Solidarity Movement for Peace sa Pangulong Benigno Aquino na solusyunan ang tlamak na patayan sa Zamboanga City na kung saan ay naglipana ang mga hired killers.
Tinawag na “great concern” ng naturang mga grupo ang lumalalang peace and order dito. Mula nitong taon ay mahigit sa 60 na ang napatay sa Zamboanga City at wala pa rin tigil ito dahil sa kapabayaan ng mga awtoridad na iginigiit na “isolated cases” lamang ang mga patayan.
“Eustaquio’s death is but a climax to the long-rising sense of frustration mixed with dread of local residents over the series of violent killings in the city, mostly in public and always with the use of guns, for the past so many months. The people are greatly concerned and fearful now: if an assassin can kill with impunity a man of stature like Eustaquio, who then in this city can be safe from a similar attack? Nobody – in this so-called Asia’s Latin City in which the rule of law is now teetering on the brink of a total collapse, if not already,” ani pa ng nasabing mga grupo sa pahayag nito.
Maging si Mayor Celso Lobregat ay sinabihang ng mga grupo na aksyunan ang mga krimen sa Zamboanga.
“To Mayor Celso Lobregat to take seriously his job in regard to his constituents’ safety, peace and sense of security, to utilize and properly his office’s considerable resources, power and authority for that pre-eminent concern and need of city residents; seriously his job in regard to his constituents’ safety, peace and sense of security, to utilize and properly his office’s considerable resources, power and authority for that pre-eminent concern and need of city residents,” ani ng mga grupo na pinaangungunahan nina Fr. Angel Calvo, Prof. Ali Yacub, Rev. Paulino Ersando at Mulhambo Cegales.
Nabansagan ng “Wild, Wild West”(ern Mindanao) ang Zamboanga. (Mindanao Examiner)