Hindi na talaga mapigilan ang kasikatan at pagkahumaling ng mga Pinoy kay Alden Richards! Patunay lamang nito ang mahigit na 50,000 na Ilonggos na matiyagang nag-antay at nanood ng kanyang fans day sa probinsya kahit pa na-delay ang kanyang flight.
Aba, record-breaking talaga ito na maituturing! Nakakabilib talaga ang karisma ng Pambansang Bae dahil kahit saan siya magpunta ay hindi mahulugang-karayom ang dami ng tao sa venue.
Samantala, binulabog ng Pambansang Bae ang social media noong Biyernes ng gabi nang i-launch ang music video ng kanyang recording session ng GMA Christmas Station ID theme song na MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko.
Simula nang i-launch ito, tinatayang mahigit 1.5 million na ang combined views nito sa Facebook at YouTube!( Joe Barrameda )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/talbog/37801/talbog-pagkahumaling-ng-pinoy-kay-alden-r-di-na-talaga-mapigilan-.html