
TODO-KILIG ang “Be Careful With My Heart” viewers at netizens sa panibagong ‘ultimate moment’ sa pagitan ng mga karakter nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sa serye na sina Maya at Ser Chief na sa wakas ay nagkapatawaran na matapos magkatampuhan dahil sa magkaibang opinyon nila tungkol sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak.
Sa episode noong Agosto 7, nasorpresa at napasaya ni Richard si Maya nang biglaan siyang bumaba mula sa isang chopper na may bitbit na bouquet ng bulaklak.
Naging mas makahulugan ang yakap at halik ng mag-asawa sa muli nilang pagkikita matapos mag-emergency landing ang eroplanong sinasakyan ni Maya.
Dahil sa kilig overload na ipinadama nina Maya at Richard sa hindi malilimutang chopper scene, agad na naging national trending topic ang opisyal na hashtag ng programa na #SerChiefAndMayaTheUltimateMoment.
Matapos ang nakakikilig na chopper scene nina Maya at Ser Chief, ano-ano pang ‘ultimate moments’ ang magaganap sa pagpapatuloy ng number one feel-good habit ng bayan?