NORTH COTABATO — Bigong nalusob ng mga armadong grupo na na mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom fighters o BIFF ang munisipyo ng Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao, Martes ng madaling araw.
(Photo by Amiel Cagayan)
Ito matapos na mapigilan sila ng tropa ng 33rd Infantry Battalion.
Ayon kay Capt. Arvin John Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ang grupo ay pinamumunuan ni BIFF Sulaiman Tudon.
Agad naming rumesponde ang mga sundalo at nagkabakbakan sa Sitio Mopac, may limang metro ang layo mula sa municipal hall.
Limang mga sibilyan ang naiulat na hinostage ng mga BIFF upang gawing human shield o panangalang habang tinutugis sila ng mga sundalo.
Mismong ang alkalde ng bayan ang nagpaabot kay Lt. Colonel Harold Cabunoc ng 33rd IB, hinggil sa presensiya ng BIFF sa Sitio Mopac ng Barangay Poblacion.
Ayon kay Encinas si Sulaiman Tudon at ang kanyang mga tauhan ay sangkot sa kalakaran ng illegal na droga at pakikipag-alyansa kay Abdulatif Pendaliday aka Grasscutter, ang BIFF sub-leader na nag-ooperate sa Datu Paglas at mga kalapit na bayan kungsaan ang drug money ang ginagamit nila para matustusan ang kanilang kilusan. Rhoderick Benez