
LA UNION (Mindanao Examiner / Dec. 13, 2012) – Matagumpay na nasukob at saka sinunog ng mga awtoridad ang halos P1 milyon halaga ng marijuana sa bulubunduking bahagi ng bayan ng Santol sa lalawigan ng La Union.
Nilusob ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Air Force, Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine National Police at ang lokal na pamahalaan ang taniman sa Sitio Saginsing sa Barangay Sapdaan at doon ay nasamsam ang mahigit sa 5,000 fully grown marijuana.
Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na operasyon ng pamahalaan upang wakasan na at duruging ang laganap na pagtatanim ng marijuana sa nasabing lalawigan.
Hindi naman agad mabatid kung sino ang nasa likod ng ilegal na taniman ng marijuana, subalit patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol dito. (Francis Soriano)