Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Tanod sa Zambo umalma sa tinigpas na bonus!
  • Uncategorized

Tanod sa Zambo umalma sa tinigpas na bonus!

Editor July 24, 2012
Raised-Fist

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / July 24, 2012) – Umalma kahapon ang mga tanod sa Zamboanga City matapos na mabatid na kulang ang ibinigay sa kanilang Christmas bonus ng kanilang barangay treasurer.

Sa halip na P5,000 ay halos P1,100 lamang ang natanggap ng mga tanod ng Barangay Tugbungan at ang masakit pa nito ay inamin ng barangay treasurer na nakilalang si Melanie Jubaira na siya mismo ang nagpapalit ng tseke sa isang tindahan lamang.

Sa panayam ng Radyo Agong ay itinuro naman ni Melanie ang Barangay Chairman na si Agustin Graciano, Jr.  na siyang nag-utos sa kanya at katunayan ay ibinigay pa nito ang salapi sa opisyal. Hindi naman agad makunan ng pahayag si Graciano ukol sa eskandalo.

“Wala naman akiong magawa kasi utos lang sa akin ito at appointed official lang ako,” ani Melanie.

May 17 barangay tanod ang Tugbungan at ilan pa ang mga may job order. Ayaw naman sabihin ni Melanie kung magkano ang kabuuang tseke na ipinalit nito sa tindahan na nagkaltas pa ng komisyon.

Idinahilan pa nitong may internal arrangement umano sa tanggapan ng barangay na paghati-hatiin ang bonus sa lahat ng mga tanod at casual workers, ngunit itinanggi naman ito ng mga tanod.

Idudulog umano ng mga tanod ang kanilang reklamo sa mga kinakuukulan upang maimbestigahan ang kaso. Hindi naman mabatid kung ilan sa 98 barangay sa Zamboanga ay may kahalintulad na kaso. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Newspaper columnist who is shot in burglary attack in Philippines dies; 4 assailants arrested
Next: ‘Maguindanao Massacre’ di pedeng ‘forgive and forget’

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi Health-mission 1
  • Mindanao Post

BARMM brings medical missions to IDP shelters in Marawi

May 28, 2025
911 in Camiguin town logs over 500 calls since January Service-expansion 2
  • Mindanao Post

911 in Camiguin town logs over 500 calls since January

May 28, 2025
Commander Bravo reaffirms support for peace efforts in Mindanao Peace-dialogue 3
  • Mindanao Post

Commander Bravo reaffirms support for peace efforts in Mindanao

May 28, 2025
Aquaponics to conservation: How a young farmer is growing change Bountiful-harvest 4
  • Featured
  • Mindanao Post

Aquaponics to conservation: How a young farmer is growing change

May 28, 2025
PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement BIR-Double-Taxation 5
  • Business

PH, Hong Kong start negotiations for Double Taxation Agreement

May 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.