
SULU (Mindanao Examiner / May 17, 2013) – Pormal ng nai-proklama ng Commission on Elections si Abdusakur “Totoh” Tan II bilang bagong gobernador ng lalawigan ng Sulu at si Sakur Tan, bilang bise-gobernador matapos ng isang landslide victory sa katatapos na halalan.
Parehong nagpasalamat ang mag-ama sa malaking pagtitiwala na ibinagay sa kanila ng mga Tausug. Isa pang anak na si Samier Tan ay unopposed rin sa bayan ng Maimbung at naunang nai-prokla ng poll body.
Ipingako naman ng mga Tan na ipagpapatuloy nila ang mga magagandang programa na kanilang nasimulan at pinakinabangan ng Sulu.
Isang magandang halimbawa nito ay ang malaking pagbabago sa bayan ng Maimbung na halos 4 dekadang walang developments sa nakalipas na administrasyon. Ngunit ngayon ay kapuna-puna ang malaking pagbabago sa nasabing bayan.
Nagkaroon na ito ng malaking parke, mga sementadong kalsada, gusali para sa mga paaralan, cold storage facility, central market, Internet at cell sites, daan-daang pabahay para sa mahihirap, pier at munisipyo. Lahat ng ito ay nagawa lamang sa 3 taon na paninilbihan ni Mayor Samier sa tulong na rin ng butihing ama.
Aktibo rin si Mrs. Nurunisah Tan, na may bahay ni Vice Gov. Sakur Tan, dahil sa marami nitong proyektong pangkabuhayan at mga programa para sa mga kababaihan. Ito rin ang nangunguna sa ibat-ibang medical mission – dahil na rin sa pagiging registered nurse – kasama si Provincial Health Officer Dr. Farah Omar.
Kilalang pilantropo ang Pamilyang Tan hindi lamang sa Sulu kundi sa Mindanao. (Mindanao Examiner)