ZAMBOANGA CITY – Pinaghahanap ng pulisya ngayon ang isa umanong pahinante ng fishing boat na isinabit ng awtoridad sa pagkakapatay sa 18-anyos na mangingisda sa Zamboanga City.
Sinabi ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na inaalam pa nila ang motibo sa pagpaslang kay Muad Sahi sa pampang ng Barangay Labuan nitong Hunyo 7.
Agad umanong tumakas ang suspek matapos ng pamamaril sa teenager, ayon kay Samuddin.
Hindi naman pinangalanan ng opisyal ang suspek dahil patuloy pa ang paghahanap sa kanya. Maging ang pamilya ng biktima ay tumutulong na rin sa pagtugis sa killer. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News