
ZAMBOANGA DEL NORTE – Isang caretaker ng mga panabong na manok ang nagbigti sa sarili matapos na umano’y mag-away sila ng kanyang live-in partner sa Zamboanga del Norte province.
Natagpuan ang bangkay ni Ronnel Guevarra, 19, sa loob mismo ng breeding farm na pagaari ni Antonio Aseñero kamakalawa. Ayon sa pulisya, gumamit si Ronnel ng kawad ng kuryente sa pagbibigti nito.
Nabatid na matigas na ang katawan ni Ronnel at 5 oras na umanong patay ito ng matagpuan ang kanyang bangkay.
Hindi pa mabatid ang dahilan ng away ng mag-syota at hindi rin ibinigay ng pulisya ang pangalan ng live-in partner ni Ronnel habang patuloy ang imbestigasyon kahapon sa naturang kaso. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News