KIDAPAWAN CITY – Isang 19-anyos na binatilyo ang nagpakamatay isang araw bago ito magdiwang sa kanyang kaarawan sa South Cotabato at ang dahilan nito ay ang planong pagpapakasal ng biyudang ina.
Ayon sa ulat ng Brigada Radio, nakilala ang biktima na si Bryan Piera at nabatid sa ina nitong si Gregoria na ikinasama umano ng loob ng anak ang kanyang planong magpakasal. Noon nakaraang taon lamang namatay ang ama ni Bryan kung kaya’t hindi nito matanggap ang balak ng ina.
Sa sobrang sama ng loob ay nagtungo umano si Bryan sa likuran ng bahay ng tiyuhin sa Purok Tolosa sa Barangaty Sajaneba sa bayan ng Santo Niño at doon ay uminom ng lason kamakalawa ng gabi.Naisugod pa si Bryan sa pagamutan, ngunit bigo ang mga duktor na agawin ito kay kamatayan.
Hindi naman makapaniwala ang ina nito sa ginawa ng anak. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper