COTABATO CITY – Mataas ang tension ngayon sa lalawigan ng Lanao del Sur at Maguindanao, na parehong nasa ilalim ng magulong Autonomous Region in Muslim Mindanao, dahil sa girian ng mga supporters ng magkakatunggaling pulitiko.
Mahigpit ang seguridad na pinaiiral ng 6th Infantry Division doon upang masiguradong hindi mauuwi sa madugong komprontasyon ang awayan ng mga pulitiko doon.
Si Gov. Esmael Mangudadatu sa Maguindanao ay todo ang kampanya laban sa katungaling si Datu Ali Midtimbang na kaalyado naman ng Ampatuan clan.
At sa Lanao del Sur ay ang grupo naman ni Gov. Bombit Adiong – na nasa huling termino – ang puspusan sa pangangampanya para sa kanyang ina na isinabak nito sa pagka-gobernador laban sa mas malakas na si Marawi City Mayor Fahad Salic na nakaligtas kamakailan lamang sa ambush sa Cagayan de Oro City.
Si Adiong ay tumatakbong vice governot ng kanyang sariling ina. Matagal ng namamayagpag sina Mangudadatu at Adiong sa kanilang lalawigan. (Mindanao Examiner)
Share Our News
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper