
MAGUINDANAO – Patuloy na tumataas ang tensyon sa magulong lalawigan ng Maguindanao matapos ng sunod-sunod na atake sa bahay ng magkakatungaling pamilyang Ampatuan.
Niratrat kamakalawa ng mga armadong nakasakay sa kotse ang mansion ni dating Maguindanao governor Andal Ampatuan at anak nitong si Zaldy Ampatuan, ang ex-ARMM governor, sa bayan ng Shariff Aguak.
Isang sibilyan na nakilalang si Salik Camsa ang sugatan sa atake ng paulanan ng bala ng mga armado ang dalawang mansion ng mag-ama.
Naganap naman ito matapos na pasabugan ng rocket ang bahay ni Shariff Aguak Mayor Maroph Ampatuan at ang bahay ng kanyang amang si Akmad Ampatuan, na dating mayor ng Salibo, na kung saan ay sugatan ang sibilyang si Ali Dimaludin na tinamaan ng shrapnel sa pagsabog.
Ang pinuno ng angkan na si Andal Ampatuan at mga anak nito at ilang miyembro ng pamilya nito ay nahaharap sa multiple murder charges matapos na sumabit sa massacre ng 58 katao, kabilang ang 32 manunulat noon 2009 sa Maguindanao.
Ayon sa ulat ng militar ay si Tamano Mamalapat, na dating commander ng Moro Islamic Liberation Front, ang nasa likod ng atake sa bahay ng mag-amang Akmad at Maroph.
Noon nakaraang buwan lamang ay tinambangan rin ng mga armado ang convoy ni Akmad at sugatan ito at dalawang tauhan sa bayan ng Guindulungan. Matapos naman nito ay ang mansion naman ng bahay ni Shariff Aguak Mayor Zahara Upam Ampatuan na ngayon ay nagtatago matapos na isabit noon nakaraang taon sa massacre.
Ang mag-amang Akmad at Maroph ay dating tauhan ni Andal ngunit bumaligtad naman ang mga ito ngayon at kalaban rin ni Zahara sa pulitiko. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/