PAGADIAN CITY – Natagpuang patay sa kanyang silid ang Western Mindanao regional director ng Technical Education and Skills Development Authority at patuloy kahapon ang imbestigasyon ng pulisya dito.
Nakilala ang biktima na si Edgar Sales at natagpuan ito na wala ng buhay sa kanyang kuwarto sa kanilang staff house sa Pagadian City, ang regional center ng Zamboanga.
Hindi pa mabatid ang dahilan ng pagkamatay ng 59-anyos na si Sales. Nadiskubre umano ang bangkay matapos na dumating ang driver nitong si Vic Barredo kung kaya’t agad na tumawag sa pulisya upang ipabatid ang nangyari.
Wala umanong nakitang kakaiba sa silid ni Sales at wala rin umanong mga nawawalang kagamitan doon. May hinala ang pulisya na posibleng inatake sa puso ang opisyal, subali’t wala pang pormal na pahayag ang crime laboratory ukol dito dahil hindi pa tapos ang pagsisiyasat.
Dadalhin rin umano sa Ozamiz City ang katawan ni Sales na kung saan ay natibo ito ng lugar. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper