Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Entertainment
  • THE SOURCE: Alden, isinoli ang ‘bayad’ ni Ai Ai! – Abante
  • Entertainment
  • Featured
  • National

THE SOURCE: Alden, isinoli ang ‘bayad’ ni Ai Ai! – Abante

Desk Editor November 25, 2015

Masaya ang mga nanood ng For The Love of Mama, ang benefit concert para sa construction ng Kristong Hari Church sa Commonwealth, Quezon City at unang project ng MEDA Foundation ni Ai Ai delas Alas.

Taos-puso ang pasasalamat ni Ai Ai sa lahat ng mga sumuporta sa benefit concert na ginanap sa Mall of Asia Arena noong Lunes nang gabi.

Special guests ni Ai Ai sina Alden Richards, Erik Santos, Kylie Padilla, Nikki Valdez, Jay Gonzaga, Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Adrian Panganiban, 6 Priests in the City at ang kanyang mga anak na sina Sancho at Sophia delas Alas.

Walang kupas ang husay ni Ai Ai sa pagpapatawa dahil naaliw nang todo ang audience sa kanyang mga hirit at kuwento tulad nang pagbabalik nina Alden at Eri­k ng honorarium bilang tulong nila sa ipinatatayo na simbahan mg Kristong Hari.

Kung hindi tumanggap ng honorarium sina Alden at Erik, hindi nagbalik ng “token” ang 6 Priests in the City dahil sa kanilang katwiran na may mga simbahan din sila na tinutulungan.

Ibinida ni Ai Ai na dahil siya ang producer ng charity show, walang makakapigil sa kanya na isali sa concert ang mga anak niya na sina Sancho at Sophia na parehong may talent sa pagkanta at pagsasayaw.

Nagmistulang prayer meeting ang benefit show dahil sa inspirational talk ni Bo Sanchez pero imbes na mabagot, nagustuhan ng audience ang kanyang mga pahayag tungkol sa pagmamahal sa ating mga ina. Ang inspirational talk ni Bo ang isa sa mga highlight ng For The Love of Mama.

Nabulabog ang Mall of Asia Arena nang mag-perform si Alden at nang kantahin niya ang kanyang mga hit song na Wish I May, Thinking Out Loud at God Gave Me You. Nagiging emosyonal si Alden sa tuwing kinakanta nito ang God Gave Me You at nangyari uli ito sa For The Love of Mama.

Bago niya inawit ang God Gave Me You, pinasalamatan ni Alden sina Mama Mary at ang Panginoong Diyos dahil ginamit siya na instrumento para maging inspirasyon sa lahat.

***

Anyway, sa huling bahagi ng concert para kay Mama Mary ay hindi napigilan ni Ai Ai ang humagulgol sa harap ng publiko. Nagbalik-tanaw siya sa hirap na pinagdaanan niya, pati na nung panahon na pakiramdam niya ay iniwan siya ng maraming tao sa paligid niya, pero sabi nga niya, alam na alam niyang hindi siya pinabayaan ni Mama Mary nung mga panahon na `yon.

Kaya kita niyo naman si Ai Ai ngayon, na muli ngang nakabangon, at love na love pa rin ng publiko.(Jojo Gabinete)

Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/38348/the-source-alden-isinoli-ang-bayad-ni-ai-ai-.html

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Train service on North-South Line resumes after 2-hour disruption – Channel News Asia
Next: ARMM intensifies Gender and Development

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Zamboanga Winners Proclaimed ZC1 1

Zamboanga Winners Proclaimed

May 13, 2025
PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners PhilHealth-DepEd1 2

PhilHealth and DepEd forge partnership to ensure health coverage for all learners

May 13, 2025
Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road Home-Credit1 3

Home Credit PH and KServico Team Up to Bring Fast and Easy Motorcycle Financing to Empower More Filipinos on the Road

May 10, 2025
Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 4

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 5

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.