Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Entertainment
  • The Source: Anak ni Kuya Germs, ‘overwhelmed’ sa pakikiramay ng fans… – Abante
  • Entertainment
  • Featured
  • National

The Source: Anak ni Kuya Germs, ‘overwhelmed’ sa pakikiramay ng fans… – Abante

Editor January 11, 2016

Live mula sa Our Lady of Mount Carmel Shrine sa New Manila, ­Quezon City ang broadcast ng Walang Tulugan With The Master Showman noong Sabado dahil doon nakahimlay ang labi ng television host at starbuilder na si German Moreno aka Kuya Germs.

Isang tribute ang naganap para sa isa sa mga haligi ng industriya na namaalam noong Biyernes, January 8, 2016.

Kabilang ang nag-iisang anak ni Kuya Germs na si Federico sa mga nag­bahagi sa televiewers ng relasyon nila ng kanyang ama. Bago pa nagsalita si ­Federico sa Walang Tulugan noong Sabado, nagkuwento na siya  noong ­Biyernes tungkol kay Kuya Germs.

Ipinaubaya ni Federico sa kanyang pinsan na si John Nite ang pagpili sa ­isusuot ni Kuya Germs sa huling pagkakataon dahil kung siya raw ang magde­desisyon, business suit ang pipiliin niya.

Isa sa mga kuwento ni Federico ang matinding kaligayahan na kanyang naram­daman nang mabasa niya ang reaksyon ng mga tao tungkol sa pagkawala ng tatay niya.

“When he was already brought to the funeraria, we got a room para makapagpahinga. I wanted to take a nap even a couple of hours.

“Naupo na ako, on my phone, nag-Facebook muna ako. Then I saw the hashtag #RIPKuyaGerms, my kids were sleeping, so I started scrolling, then I started crying.

“Nagising ‘yung daughter ko, sabi niya, ‘Daddy, tama na please. Tama na, he’s okey. Don’t be sad anymore…’

“I said, ‘don’t worry, I am not sad. I’m very-very ­happy. I’m reading the hashtag, the thread and I’m so overwhelmed with the love.

“These are people that’s not part of the industry. I’m so proud of his accomplishments, they’re so proud of his accomplishments, they’re so proud of how kind a person he is.

“ Meron pang nagkukuwento na merong dumating na grupo. Napanood niya nu’ng bata siya, may dumating na grupo na mga performer, international. In fact, it was The Corrs.

“Then paglabas ng The Corrs, tapos na ‘yung kanta, binigyan daw sila ng gatas. Nagulat daw sila. What are we gonna do with this? Sinabi ng Papa, oh it’s Birch Tree. It’s everybody’s milk.

“They were sharing their experiences with Papa when they were watching his shows. Amazing…amazing…” ang pagbabalik-tanaw ni Federico tungkol sa kanyang sumakabilang-buhay na ama.

Naulila ni Kuya Germs si Federico at ang apat na anak nito. Mga pamangkin nina Vina Morales at Shaina Magdayao ang mga apo ni Kuya Germs dahil ­kapatid nila ang asawa ni Federico na si Shiela.

Ang Loyola Memorial Park sa Marikina City ang huling hantungan ni Kuya Germs sa Huwebes, January 14. Sa January 13, ibuburol ang kanyang labi ng isang gabi sa Studio 6 ng GMA Network Center at ayon sa Moreno family, ­bukas sa publiko ang burol ni Kuya Germs sa GMA 7.

That’s Entertainment members, dagsa sa burol ni Kuya Germs… 

Sina Senator Grace Poe, Martin Nievera, Pilita Corrales at ang mga dating miyembro ng That’s Entertainment ang ilan sa mga personalidad na nagsadya sa Our Lady of Mount Carmel Shrine noong Sabado.

Nag-alay ng kanta si Pilita sa kanyang pumanaw na kaibigan, ang Saan Ka Man Naroroon samantalang ang anak niya na si Jackie Lou Blanco ang naka­sama ni John sa pag-iinterbyu kay Martin.

“When I  met you,” ang sagot ni Martin nang tanungin siya ni Jackie Lou ng, “When did you meet Kuya Germs?”

Napahalakhak si Jackie dahil sa mga hindi nakakaalam, may nakaraan sila ni Martin bago nito pinakasalan si Pops Fernandez.

Sequel ng ‘Haunted Mansion’, hiling ng theatre owners! 

Kahit nagluluksa ang entertainment industry dahil sa pagpanaw ni Kuya Germs, the show must go on. Tuloy ngayong gabi ang red carpet ­premiere ng Lumayo Ka Nga Sa Akin sa Cinema 9 ng SM Megamall.

Mga bida sa pelikula ng Viva Films sina Maricel Soriano, Quezon City ­Mayor Herbert Bautista, Candy Pangilinan, Benjie Paras, Paolo Ballesteros at Cristine Reyes.

Naranasan ng lahat ng mga bida ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na mag-guest at mag-promote ng kanilang mga project sa mga programa ni Kuya Germs sa radyo at telebisyon.

Narinig din namin sa burol ni Kuya Germs ang balita tungkol sa possible sequel ng Haunted Mansion, ang surprise hit movie sa Metro Manila Film Festival 2015.

Diumano, mismong ang theater owners ang humiling sa Regal Entertainment Inc., ang producer ng Haunted Mansion na gumawa ng sequel dahil ikinatuwa nila ang mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula na Number 3 sa walong pelikula na opisyal na kalahok sa Metro Manila Film Festival.(Jojo Gabinete )

Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/40494/the-source-anak-ni-kuya-germs-overwhelmed-sa-pakikiramay-ng-fans-.html

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Cong backs report of troop march to Delhi; India’s ex-army chief rejects view – Asia Times
Next: It’s time for Europe to turn the tables on bullying Britain – The Guardian

Related News

BLT-1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

Editor May 22, 2025
DMW-logo
  • National

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

Editor May 20, 2025
TPB2
  • Business
  • National

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

Editor May 20, 2025

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 2

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 3

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 4

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 5

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.