‘I love you all’ ang huling salita na binitiwan ni Natalie Cole, ang legendary American singer na sumakabilang-buhay sa edad na 65 noong December 31, 2015.
Bumuhos ang pakikiramay sa pamilya na naulila ni Natalie mula sa kanyang mga kaibigan at tagahanga.
Kabilang ang Filipina Internet sensation na si Charice sa mga nagpahayag ng kalungkutan sa pagpanaw ni Natalie.
Aniya, “Breaks my heart, Natalie. I will always remember you. Always. I am glad to have known you. Thank you for your words.
Thank you for everything. Thank you for your songs. Unforgettable, that’s what you are… I love you Natalie.”
Sa kasamaang-palad, umiral ang crab-mentality ng ilang mga kababayan natin na binatikos si Charice at inakusahan ito na feeling close at nakikisakay sa pagkamatay ni Natalie.
Unfair ang mga paratang kay Charice dahil totoo naman ang kanyang mga statement tungkol kay Natalie.
Walang ipinagkaiba si Charice sa fans ni Natalie na ikinalungkot ang pagkawala ng magaling na singer at naging vocal sa kanilang nararamdaman.
Nasa lugar si Charice para magsalita tungkol kay Natalie dahil personal na magkakilala ang dalawa dahil sila ang mga special guest sa concert ni David Foster sa Smart Araneta Coliseum noong August 2015.
Kasama sina Charice at Natalie sa presscon para sa concert ni Foster at sa backstage ng Big Dome pero hindi na sumali si Natalie sa encore number dahil nagpahinga na siya.
Limitado ang participation ni Natalie sa 2015 Manila concert ni Foster dahil sa kanyang mahina na resistensya.(Jojo Gabinete )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/40196/the-source-charice-inakusahang-feeling-close-kay-natalie-cole-.html