Ang surprise appearance ni Lola Nidora ang highlight ng birthday party ni Malou Choa-Fagar sa Valencia Events Place noong Sabado nang gabi.
Nagbigay ng mga word of wisdom ang alter ego ni Wally Bayola sa may kaarawan.
Sikat na sikat na talaga ang karakter ni Lola Nidora dahil pinagkaguluhan ito ng mga bisita na isa-isang nagpakuha ng litrato na kasama siya.
Kahit si Lola Nidora ang karakter niya nang gabing ‘yon, halata sa mukha ni Wally na starstruck ito at malaking karangalan sa kanya na magkaroon ng photo op kina Susan Roces, Helen Gamboa at maging sa Regal Entertainment Inc. producer na si Mother Lily Monteverde.( Jojo Gabinete )
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/38237/the-source-lola-nidora-pinagkaguluhan-sa-party-.html