Opisyal na nagsimula noong Lunes, January 4, ang reign ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe kaya naging busy siya sa kanyang mga television guesting, sa Live! with Kelly & Michael, ang syndicated morning talk show sa WABC-TV New York nina Kelly Ripa at Michael Strahan at sa Good Morning America ng ABC.
Parang nagkopyahan ang Kelly & Michael at Good Morning America dahil pare-pareho ang mga tanong nila kay Pia.
Dahil kontrobersyal ang coronation night ng Miss Universe 2015, ang tungkol sa pagkakamali ni pageant host Steve Harvey sa announcement ng winner at ang nararamdaman para kay Miss Universe 1st runner up Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang mga itinanong kay Pia.
Nang tanungin siya ni Lara Spencer ng Good Morning America tungkol sa possible Miss Universe crown sharing nila ni Ariadna, sumagot ang Philippine pride ng…
“It would be a little bit difficult for two girls to share a crown. I have very high hopes that this would bring great opportunities for me, Miss Colombia and the other girls.”(Jojo Gabinete)
Link: http://www.abante.com.ph/ent/showbiz-column/the-source/40226/the-source-pia-no-to-crown-sharing-kay-ariadna-.html