
DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Sept. 28, 2012) – Isang 22-anyos na criminology student na di-umano’y tibo ang nagwala at napatay ang tatlong katao, kabilang ang isang bata, sa lungsod ng Davao.
Ayon sa mga ulat ay iniwan umano ng kanyang syota ang tibo kung kaya’t sa sobrang galit nito ay napagbalingan ang mga biktima at pinagsasaksak sa kanilang lugar sa Barangay Sasa.
Napatay sa amok ang tiyahin at tiyo ng suspek at ang kanilang apo, at sugatan naman ang dalawang bata, kabilang ang isang sanggol, ngunit hindi naman agad mabatid kung bakit nadamay ang mga ito.
Nadakip naman ang tibo at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap habang nakaluksa ang pamilya nito sa naganap na trahedya. Nabatid pang nagtangka na rin na magpakamatay noon ng suspek dahil iniwan rin ito ng kanyang atab, ngunit hindi naman natuluyan. (Mindanao Examiner)