
CAGAYAN (Mindanao Examiner / Jan. 10, 2013) – Dahil sa kahihiyan at bigat na dinadala ng isang manginisda ay nagpatiwakal ito matapos sampahan ng kasong panggahasa ng sarili nitong pamangkin na menor de edad.
Sinabi ni Senior Inspector Mario Maragun, hepe ng Calayan Municipal Police Office, na bago nagpakamatay ang lalaki ay naghain ng kaso ang pamilya ng dalagita dahil sa umano’y panggagahasa sa kanya ng tiyuhin sa kanilang lugar sa Barangay Dilam sa bayan ng Calayan.
Posible umanong nakunsensya ang lalaki sa sinapit na eskandalo ng buong pamilya at angkan at sa matinding kahihiyan. Nabatid na nagtungo sa isang bakanteng lote ang suspek at doon ay itinarak nito sa sariling dibdib ang isang patalim. (Francis Soriano)