DAVAO CITY – Patay ang 6 katao matapos na sumalpok ang kanilang sasakyan sa isang truck sa kahabaang ng highway sa Davao City sa Mindanao.
Nabatid sa pulisya na naganap ang trahedya kamakalawa ng gabi sa Maharlika Highway at karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan na sanhi ng kanilang pagkamatay.
Agad naman sumuko ang driver ng truck na nakilalang si Jaime Trazona at ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya ay head-on collision ang naganap ng pumasok sa linya ng truck ang SUV ng mga biktima.
Posibleng nakatulog o nag-overtake ang driver ng SUV kung kaya’t sumalpok ito sa truck.
Hindi naman agad nakilala ang mga nasawi, ngunit sa ibang mga ulat ay magkakamag-anak o pamilya ang mga biktima na apelyidong Pilapil at Yamomo. Nahaharap naman sa kasong kriminal si Trazona dahil sa naganap. (Mindanao Examiner)
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News