
PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / June 6, 2012) – Patay ang isang Higaonon tribal leader matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang armado sa Cagayan de Oro City sa northern Mindanao.
Sa ulat ng pulisya ay nabatid na naglalakad lamang si Landong Sadrac – na siya rin barangay chairman ng Limonda sa bayan ng Opol sa Misamis Oriental – ng ito’y ratratin hanggang sa mapatay.
Si Sadrac ay aktibo sa pagtatanggol sa karapatan ng mga natibong Higaonon sa kanyang lalawigan at matagal ng pumapalag sa mining operations sa kanilang ancestral domain.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Sadrac at patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.
Walang maibigay na pahayag ang mga kasamahan o grupo ni Sadrac sa naganap sa kanya, gayuin rin ang pamilya nito, ngunit matagal na itong nakakatanggap ng banta sa kanyang buhay dahil sa kanyang paninindigan. (Mindanao Examiner)