KIDAPAWAN CITY – Patay ang isang 21-anyos na tricycle driver matapos na pagbabarilin ng di-pa nakilalang suspek sa national highway na tapat lamang ng isang gasoline station sa Barangay Fort Pikit sa bayan ng Pikit sa North Cotabato province nitong Sabado ng umaga.
Sa ulat na ipinarating sa Mindanao Examiner, kinilala ni Supt. Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office, ang biktima na si Rahib Melicano Cudales, na residente ng bayan ng Pagalungan sa Maguindanao.
Batay sa ulat, alas-8:45 ng umaga habang nagmamaneho ang biktima ng kanyang motorsiklo mula sa Pagalungan at pagdating sa nasabing lugar ay pinagbabaril ng suspek sa likod. Nagtamo ang biktima ng maraming tama ng bala sa iba’t-ibangbahagi ng kanyang katawan na nagging dahilan ng agaran nitong kamatayan.
Patuloy pa ang imbestigasiyon hinggil sa nasabing krimen. (Rhoderick Beñez)