COTABATO CITY – Muling nagbabala ang pulisya sa mga motorist na mag-ingat sa kanilang pag-biyahe matapos na mahulog sa bangin ang isang truck sa South Cotabato na ikinamatay ng 4 katao.
Dalawang katao naman ang himalang nabuhay, ngunit nasa kritikal pa rin ang lagat dahil sa tinamong mga pinsala sa katawan.
Nabatid sa puliysya na posibleng nawalan ng preno at nadulas sa kalsada ang gulong ng truck kung kaya’t bumulusok ito sa bangin kamakalawa ng umaga sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Naganap ang trahedya sa Barangay Salacafe sa bayan ng T’boli. Kabilang sa mga nasawi ay ang 27-anyos na driver ng truck na nakilala lamang sa apelyidong Gaje at ang kanyang helper na s Marlon at dalawang pasahero.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap, ngunit nagpaalala ang awtoridad sa mga driver ng truck, bus at jeep, gayun rin sa mga pribadong sasakyan na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho lalo na kung umuulan at sa gabi dahil sa nakaambang peligro sa kalsada. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates