COTABATO CITY – Kamatayan ang sumalubong sa apat na katao matapos na araruhin ng isang truck ang sinasakyang tricycle ng mga biktima sa McArthur Highway sa Toril, Davao City.
Ayon kay sa imbestigador na si PO2 Norhamil Asanhe, galing sa General Santos City ang naturang truck at papunta sana sa Davao City upang mag-deliver ng animal feeds ng maganap ang sakuna nitong Huwebes ng gabi.
Base naman sa salsaysay ng truck driver na si Renato Palo, na residente ng Buhangin sa Davao City ay binabaybay umano nito ang kahabaan ng highway nang bigla na lamang tumawid ang isang tricycle at hindi na nito nakayanan pa na umapak sa preno na siyang dahilan ng salpukan.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ang apat na biktima at tatlo rito ay kinilalang sina Recorte Cabanlit, driver ng tricycle; at mga pasaherong sina Reste Bendanillo, Jeric Villanaro, at ang isa pang babae.
Hawak na ng pulisya ang driver ng truck na kusang sumuko matapos ng aksidente. Nahaharap ito sa kasong “reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property.” (Rhoderick Beñez)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com /http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper