Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Featured
  • Tsinoy, niratrat sa Zamboanga City!
  • Featured
  • Mindanao Post

Tsinoy, niratrat sa Zamboanga City!

Editor February 22, 2018

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang 44-anyos na negosyanteng Tsinoy matapos itong tadtarin ng bala sa katawan kaninang umaga sa Zamboanga City sa Mindanao.

Dumalaw lamang umano si Andrew Chan Wee sa kanyang magulang dito mula sa Cebu at pabalik na sana ito ngayon Sabado ng maganap ang krimen sa mismong gasolinahan ng pamilya sa Barangay Talon-Talon.

Dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo ang naghintay sa biktima, ayon sa mga empleyado. At ng dumating si Wee sakay ng kanilang van kasama ang ina ay agad itong niratrat ilang segundo matapos na lumabas sa sasakyan. Nabatid na pati ang isa sa dalawang security guards ay pinagbabaril rin ng mga salarin, ngunit hindi naman tinamaan.

Mabilis naman tumakas ang mga salarin at dito na nakakuha ng pagkakataon ang mga empleyado sa gasolinahan na isugod sa pagamutan si Wee, ngunit patay na ito dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Sinabi naman ng mga kaibigan ni Wee na napakabait nito at nagsama-sama pa umano ang mga kaklase nito gabi ng Huwebes at masaya pang nagsalaysay ang biktima sa kanyang mga magulang ukol sa kanilang pagkikitang muli.

May-ari ng ilang mga gusali sa Zamboanga at Cebu ang pamilyang Wee na kabilang sa mga prominenteng pamilya dito.

Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpatay, ngunit ang kapatid nitong lalaki ang siyang nagbabantay sa gasolinahan. Wala ito ng maganap ang krimen at dumalaw lamang si Wee doon. Humihingi ngayon ng hustisya ang pamilya sa sinapit ng biktima.

Talamak ang patayan sa Zamboanga City dahil na rin sa mga nagkalat na hired killers at kakulangan ng kampanya ng pulisya laban sa mga ito. Halos wala rin CCTV sa mga barangay at kulang o wala rin checkpoints sa ibat-ibang lugar dito sa kabila ng pinalawig na martial law sa Mindanao. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: https://www.mindanaoexaminer.com and  https://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share Our News
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Chinese-Filipino businessman murdered in Zamboanga City
Next: Radyo Mindanao February 23, 2018

Related News

NMin-Literacy
  • Mindanao Post

Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average

Editor June 2, 2025
dav-tourism
  • Mindanao Post

Davao Region’s economy shows resilience, eyes brighter 2025

Editor June 2, 2025
Cultural-tribute
  • Mindanao Post

BARMM lauds 8 Bangsamoro cultural masters in PUSAKA 2025

Editor May 30, 2025

Trending News

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market Mango1 1
  • Business
  • National

PH mangoes land in Rome in bid to win over Italian market

June 3, 2025
South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak Hacker by Tima 2
  • International

South Korea’s largest telecom operator suffers mass exodus of customers over data leak

June 2, 2025
Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average NMin-Literacy 3
  • Mindanao Post

Northern Mindanao’s basic literacy rate hits 90.8% in 2024, above national average

June 2, 2025
Davao Region’s economy shows resilience, eyes brighter 2025 dav-tourism 4
  • Mindanao Post

Davao Region’s economy shows resilience, eyes brighter 2025

June 2, 2025
BI arrests 39 ‘undocumented aliens’ in BGC telco firm BI-arrests-39-foreign-nationals 5
  • National

BI arrests 39 ‘undocumented aliens’ in BGC telco firm

June 2, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.