TACURONG CITY – “Matagal na naming binigyan ng pagkakataong magbago para sa apat na anak at asawa nito,” ito ang tinuran ni Inspector Roel Abejero makaraang masakote sa isang buy-bust operation ang isang umanong tulak ng illegal na droga sa Tacurong City.
Nabatid kay Abejero na nasakote si Dionel Toledo, 34, sa bahagi ng Barangay Griño kamakailan at nabawi sa kanya ang hinihinalang shabu. Nag-iyakan pa sa harap ng mga operatiba na sinaksihan mismo ng Kapitan de Barangay at nagsusumamo ang suspek at mga paslit pang mga anak nito subalit naging tila matigas na ang paninindigan ng pulisya.
Naharap sa usaping isinasaad sa ilalim ng RA 9165 ang nasabing suspetsado sanhi ng nakuhang isang malaki at dalawang maliliit na sachets ng hinihinalang shabu at ang markadong P500 na ginamit ng isa sa grupo ng mga operatiba kasama sina SP04 Darwin Tambasacan, SP01 Rogelio Manzano at iba pa kabilang din ang ugnayan sa ilalim ng Philippine Drug Enforcement Agency.
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and https://mindanaoexaminer.com/
Share The News