
KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Mar. 19, 2012) – Isang tupa na ipinanganak ng may kakaibang anyo ang pinagkaguluhan sa General Santos City dahil sa pagkakaroon nito ng talong tainga ay walong mga paa.
Subali’t patay naman ito ng isilang ng inahin tupa, ngunit sa kabila nito ay humakot pa rin ng maraming usisera at usisero ang nasabing hayup. At tulad ng inaasahan ay maraming nag-alok na bilhin ang nasabing tupa at may dala umano itong suwerte.
Ngunit sinabi ni Lito Santiago, ang may-ari ng inahin tupa na wala silang balak ibenta ang patay na hayup at sa halip ay nilagyan na lamang ito ng gamot upang hindi agad mabulok.
Hindi naman sinabi ng pamilya kung ano ang kanilang balak sa naturang hayup na pinaniniwalaang isang “freak.” (Mindanao Examiner)