CAGAYAN DE ORO CITY – Isang malaking operasyon ang inilunsad ng pulisya upang madakip ang 4 kataong lumusob sa United Coconut Planters Bank sa Surigao City at tumangay sa halos P5 milyon.
Ayon sa ulat, hindi pa mabatid ang nasa likod ng bank robbery na naganap kamakalawa matapos na madisarmahan ng mga ito ang dalawang mga tatanga-tangang security guards. Naagaw ng mga suspek ang armas ng mga security at siyang ginamit sa mga hintatakot na empleyado at customers sa loob ng bangko.
Tinangay rin ng mga armado ang mga salaping idedeposito sana ng mga customers. Hindi naman sinabi ng pulisya kung nakunan ba ng CCTVs o security cameras ng bangko ang kaganapan o kung may namukhaan sa mga salarin.
Patuloy ngayon ang imbestigasyon sa naganap, subali’t wala pa umanong lead sa kasalukuyan ang mga awtoridad kung anong grupo ang nasa likod ng nakawan. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates