
CAGAYAN DE ORO CITY – Isang pating na nahuli ng mga mangingisda di-kalayuan sa Camiguin Island sa northern Mindanao ang nakitaan ng ulo at hita ng tao sa kanyang bituka matapos nilang katayin dahil sa kakaibang laki nito.
Ngunit nagimbal ang mga mangingisda ng matagpuan ang bahagi ng katawan ng tao sa tiyan ng tiger shark na kanilang nabingwit nitong nakaraang linggo lamang. Ngunit dahil sa sorang baho ng bituka ng pating ay tanging mga palikpik at panga na lamang nito ang kinuha ng mga mangingisda.
Balak pa sanang ibenta ng mga ito ang karne ng pating sa Cebu upang gawin fishball, ngunit natakot sa kanilang nasaksihan. Itinapon rin umano ng mga ito ang pating, gayun rin ang panga sa takot ng asawa ng isa sa mga mangingisda na magdadala ito ng kamalasan dahil sa ulo at hitang kinain ng pating.
Hindi naman mabatid kung kaninong ulo at hita ang nasa tiyan ng pating, ngunit ang tiger shark ay isa sa mga pinaka-mapanganib na pating sa buong mundo at maraming kaso na ang naitalang mga inatake nito sa tao, partikular sa mga tabing-karagatan. (Mindanao Examiner, Mindanao Daily)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.