
LANAO DEL NORTE – Todo ang suporta ng maimpluwensyang political clan at respetadong pamilya ng mga Dimaporo kay United Nationalist Alliance senatorial bet JV Ejercito Estrada ng bumisita ito sa lalawigan ng Lanao del Norte sa Mindanao.
Mismong si Gov. Khalid Dimaporo at Rep. Imelda Dimaporo, kabilang si Bobby Dimaporo at mga alkalde ng Lanao del Norte ang siyang personal na nag-endorso kay JV Ejercito Estrada na kabilang sa mga nangunguna sa ibat-ibang survey sa bansa.
Lubos naman ang pasasalamat ni JV Ejercito Estrada sa suportang ibinigay ng mga Dimaporo at mga alkalde ng lalawigan sa kanya at sinabi pa nitong: “I will always be a friend of Lanao del Norte!”
Malakas na malakas si JV sa Mindanao at kung hindi magbabago ang mga surveys ay posibleng landslide ang panalo nito o mag-number 1 pagka-senador sa darating na halalan, ayon naman sa mga supporters nito sa Lanao.
Kilala si JV sa kanyang pagiging magaling na mambabatas at dating mayor ng San Juan na kung saan ay naging maganda ang takbo ng ekonomiya ng lungsod sa ilalim ng kanyang pamamahala. (Mindanao Examiner)