
UNA senatorial candidate JV Ejercito Estrada.
MANILA (Mindanao Examiner / Mar. 5, 2013) – Pasok sa Top 5 ng pinakahuling Pulso ng Pilipino survey si United National Alliance senatorial candidates JV Ejercito Estrada at Nancy Binay.
Nag-tie sa parehong puwesto sina Ejercito Estrada at Binay at natuwa naman ang mga ito sa pagkakapasok nila sa nasabing survey. Kasama ng dalawa sina Senators Loren Legarda, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at Cynthia Villar.
Sa naturang survey ay malinaw na malakas pa rin ang suportang nakukuha ng UNA. (Mindanao Examiner)