Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • UPDATED: Batang namatay, muling nabuhay at muli rin namatay sa Zambo Sur

UPDATED: Batang namatay, muling nabuhay at muli rin namatay sa Zambo Sur

Editor July 14, 2014
Mindanao-copy11

PAGADIAN CITY (Mindanao Examiner / July 14, 2014) – Kalat ngayon sa social media, partikular sa Facebook, ang video clip ng isang namatay na 3-anyos na bata na diumano’y muling nabuhay sa loob ng simbahan habang inihahanda ang paglibing nito sa bayan ng Aurora sa Zamboanga del Sur.

Naganap umano ito noong July 12 at sa 48 segundong video na inilagay sa Facebook account na “Pinoy Estilo” ay makikita ang bata na binabalutan ng kanyang ama ng lampin matapos na ito’y dumilat sa kanyang maliit na ataul na nakapatong lamang sa apat na silyang plastic. Pinagkaguluhan ng mga taong sasama sana sa paglilibing sa bata ang naturang eksena sa simbahan.

Maririnig pa ang isang babae na nagsabing “kodakan” o kuhanan ng litrato ang ama ng bata habang iniaalis ang bangkay mula sa ataul. Makikita rin sa video na mukhang pawis ang bata at malambot pa ang katawan ng ito’y kargahin ng ama. Mukha rin hindi inimbalsama ang katawan ng bata.

Hindi naman agad mabatid kung ano ang kinahinatnan ng bata o ang istorya sa likod ng kanyang pagkamatay, ngunit ayon sa ibang ulat ay namatay umano ito sa dengue fever. Ngunit sa paliwanag naman ng administrator ng Pinoy Estilo ay “ang bata po ay 24 hours nang hindi gumising. Sa impormasyon po na nakarating sa amin, dinala daw po sya sa doktor at declared po ng mga doktor na dead on arrival sya. Kung ano man po ang dahilan at muli syang gumising ay tayo na po ang humusga.”

Sa huli ay nabatid ngayon July 14 na opisyal na idineklarang patay ang bata matapos ng isang pagsusuri ni Municipal Health Officer Dr. Mary Silyne Cabahug, na gumamit pa ng cardio monitor at wala itong nakitang vital life signs at inabisuhan ang mga magulang ng bata na ilibing na agad ang bangkay.

Umani naman ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga netizens na nakapanood sa video at marami sa mga ito ay agad naman tinawag na milagro ng Diyos ang naganap.

Ayon kay Angel Maldia: “Nakakaiyak kung tutuusin. This is not a joke mostly dun sa parents and relatives nong bata. Hindi biro ang mamatayan. Ang sarap yakapin nung bata kung tutuusin totoo man o hindi sapagkat muli ibinalik ng Dyos ang buhay ng batang iyan upang ipaalam sa mga tao na masarap ang mabuhay sa mundo gaano man kahirap ang dinaranas natin. Sa magulang po ng bata na muling nabuhay pakamahalin nyo po ang anak nyong iyan sapagkat sya po ang mensahe ng Dyos para sa inyo na totoong may Dyos. At sa nag upload po ng video God blessed you.”

Ayon naman sa opinyon ni Kristine Apolonio ay baka mayroon “Sleeping Beauty Syndrome” ang bata. “Baka meron syang Sleeping Beauty Syndrome. Meron akong kakilala na ganun ang sakit at minsan natutulog sya ng 1 week – 3 weeks without waking up. And wala pang gamot sa ganun,” ani Apolonio.

Ang Sleeping Beauty Syndrome o Kleine-Levin Syndrome ay isang pambihirang neurological disorder ng sobrang oras ng pagtulog o hypersomnolence at tinatayang may 1 milyon kaso ito sa buong mundo.

Sa panig naman ng mga dalubhasa ay mayroon tinatawag na Lazarus Complex o Lazarus Syndrome na kung saan ay ang mga namatay, partikular ang mga hindi naembalsamo, ay biglang nabuhay. Ang Lazarus Syndrome ay ang muling pagtibok ng puso at daloy ng dugo sa katawan ng isang tao na idineklarang patay ng mga duktor. Tinawag itong Lazarus Syndrome dahil na rin sa muling pagbuhay ni Kristo kay Lazarus at ito rin ang dahilan kung bakit maraming mga Kristiyano at panatiko ang naguugnay sa naturang medical phenomenon sa milagro ng Diyos.

Nitong Pebrero lamang ay isang 2-anyos na bata rin na si Jelyn Bejec mula sa bayan ng Maramag sa Bukidnon province ang muling nabuhay ilang oras bago ito ilibing, ngunit namatay rin matapos na matulog at hindi na magising ilang minuto ng manumbalik ang tibok ng puso nito. Namatay umano ito dahil sa kombulsyon sanhi ng sobrang taas ng lagnat.

Bagamat bihira ang Lazarus Syndrome ay marami rin kasong inulat ukol dito sa buong mundo at ito ang paliwanag ng mga eksperto sa medisina at siyensya “occurrences of the syndrome are extremely rare and the causes are not well understood. One theory for the phenomenon is that a chief factor (though not the only one) is the build-up of pressure in the chest as a result of cardiopulmonary resuscitation. The relaxation of pressure after resuscitation efforts have ended is thought to allow the heart to expand, triggering the heart’s electrical impulses and restarting the heartbeat.”

At tulad ng linya ni Nora Aunor sa pelikulang “Himala” noon 1982: “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat!” (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Man shot in Pagadian City; boy in Mahayag town
Next: Welcome to the Mindanao Examiner Teleradyo hosted by Al Jacinto. July 14, 2014

Trending News

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan Basilan-Peace-Agreement 1
  • Mindanao Post

Peace agreement ends longstanding ‘rido’ in Basilan

June 17, 2025
Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership Cargill-Biotech-Partnership-Photo 2
  • Business

Cargill Strengthens Feed Production in Mindanao with Biotech Partnership

June 17, 2025
PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care PhilHealth-logo 3
  • Mindanao Post

PhilHealth’s KonSulTa Program Reaches Zamboanga City Jail: Advancing Inclusive and Preventive Health Care

June 17, 2025
Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence Misamis-Drug-Free 4
  • Mindanao Post

Misamis Oriental town receives Balangay Seal of Excellence

June 16, 2025
MMDA launches website for NCAP violations Don-Artes 5
  • National

MMDA launches website for NCAP violations

June 16, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.