PAGADIAN CITY – Dalawang katao ang nasawi habang 6 na iba pa ang sugatan matapos na sumalpok ngayon araw sa isang poste ang van na kanilang sinasakyan sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.
Hindi agad nakilala ang mga biktima, ngunit ayon sa ulat ay pawang mga babae ang nasawi at patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa trahedya. Naisugod agad ang mga sugatan sa pagamutan matapos silang tulungan ng mga sibilyan sa lugar.
Nawalan umano ng kontrol ang driver ng van kung kaya’t bumangga ito sa poste ng ilaw. Inaalam pa ng pulisya kung nakatulog o nakainom ang driver na hindi pa rin nakikilala.
Kamakalawa lamang ay 3 katao rin ang namatay at 5 ang sugatan ng sumalpok ang kanilang sinasakyang truck sa puno ng niyog sa Pagadian City. Nawalan rin ng giya ang driver ng truck kung kaya’t sumalpok ito sa puno. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper