
ZAMBOANGA DEL NORTE (Mindanao Examiner / Aug. 17, 2014) – Isang lalaki ang sugatan matapos itong barilin habang kumakanta sa isang videoke house sa bayan ng Rizal sa Zamboanga del Norte province.
Kinilala naman ng pulisya ang suspek na si Elmer Culanag, 36, at dating bilanggo. At ayon sa pulisya ay nasa kalagitnaan ng pagkanta si Noel Saycon, 40, ng pasukin ni Culanag ang Videoke house at saka binaril sa hita gamit ang isang kalibre-22 at saka tumakas.
Naganap ang pamamaril kamakalawa ng hapon sa Barangay San Roque. Agad naman dinala ng kanyang kaanak sa pagamutan si Saycon.
Hindi pa mabatid ang motibo sa pamamaril, ngunit posibleng hindi nagustuhan ng suspek ang boses o pagkanta ni Saycon. (Mindanao Examiner)
Like us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine