Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Entertainment
  • ‘Yaya Dub’, laman ng puso ni Alden! – Abante
  • Entertainment
  • Featured
  • National

‘Yaya Dub’, laman ng puso ni Alden! – Abante

Desk Editor November 24, 2015

Pinakilig nang husto ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ang AlDub Nation last Saturday sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga na may hashtag na #ALDUBSumptuousLunch.

Dahil sa imbitasyon ni Lola Babah (Ai Ai delas Alas) kina Yaya Dub, Lola Nidora (Wally Bayola) at Tidora (Paolo Ballesteros) para mag-lunch sa kanyang mansyon, nauwi sa LQ o Lover’s Quarrel sina Alden at Yaya Dub dahil sa pagdating ni Cindy na ang suot ay pareho ng kay yaya.

Panay ang pabebe ni Cindy kay Alden na siya namang umiiwas at panay ang hawak sa kamay ni Yaya Dub.

Nagbigay ng palugit si Lola Babah kay Lola Nidora para matubos nito ang sinanglang mansyon pero hindi raw maiiba ang desisyon niya na ituloy ang kasal nila Alden at Cindy.

Dito na nasubukan ang pagiging matatag ng AlDub tandem. Selos Mode si Yaya Dub dahil hindi niya matanggap na ikakasal si Alden sa ibang babae.

Pinagpipilitan ni Alden na hindi totoong engaged siya kay Cindy dahil wala naman siyang engagement ring. Ang kanyang Lola Babah ang siyang may pakana ng lahat.

Kinuha pa ni Alden ang kamay ni Yaya Dub at inilagay niya ito sa kanyang dibdib.

Sey pa ni Alden: “Pakinggan mo ang tibok ng puso ko? Ano ang naririnig mo? Pangalan mo ang isinisigaw nito.”

Hindi pa man nakaka-recover sa sobrang kilig ang mga fans, heto’t biglang niyakap ng ubod ng higpit ni Alden si Yaya Dub na hindi na nagawang magpumiglas.

Dahil ayaw pumayag ni Lola Babah na hindi matuloy ang kasal, biglang tumakas na lang sila Alden at Yaya Dub.

Sa kanilang paglabas sa mansyon, sumakay sa likod ni Alden si Yaya Dub ala Twilight nina Edward at Bella!

Kahit na nadulas si Alden dahil sa kakatakbo nito habang nasa likod niya si Yaya Dub, mas lalong kinilig ang mga fans sa eksenang iyon.

Tuloy si Yaya Dub na ang kumarga kay Alden sa kanyang likuran na ikinatuwa lalo ng AlDub Nation.

Sinabihan ni Lola Nidora si Lola Babah na “ang pag-ibig ay hindi dapat ipinipilit”.

Kaya ano ang gagawin nina Alden at Yaya Dub sa kanilang pagtakas sa mansyon? Magtanan na kaya sila?

Papayag ba si Lola Babah sa gusto ng AlDub? Paano na si Cindy na naghihintay pa rin ng yakap at halik mula kay Alden?

Maapektuhan kaya sa ginawa ng AlDub ang kasunduan nina Lola Babah at Lola Nidora tungkol sa mansyon?

At nasaan na nga ba si Tinidora? Babalik pa kaya siya sa Kalyeserye?( Ruel Mendoza)

Link: http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/38240/-yaya-dub-laman-ng-puso-ni-alden-.html

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Thai court indicts two men over deadly Bangkok bombing – Channel News Asia
Next: KSA antiterror policy ‘praised globally’ – Arab News

Related News

PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2
  • Health
  • National

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

Desk Editor May 9, 2025
Philippines_Poverty_Mel_Hattie
  • National

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

Desk Editor May 9, 2025
Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines
  • Business
  • National

PH to become $2-T economy by 2050

Desk Editor May 8, 2025

Trending News

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption NFA-rice-PIA 1

Cebu province stocks 11K sacks of rice for P20/kilo program resumption

May 9, 2025
PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection PhilHealth_MMDA-Mural-Unveiling2 2

PhilHealth and MMDA unveil “Payong ng Kapanatagan” mural along EDSA to celebrate Public Service and Health Protection

May 9, 2025
Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA Philippines_Poverty_Mel_Hattie 3

Self-rated poverty drops to 42%, food poverty to 35% – OCTA

May 9, 2025
PH to become $2-T economy by 2050 Bonifacio-Global-City_and_Makati_skylines 4

PH to become $2-T economy by 2050

May 8, 2025
Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards Metrobank-Annual-Awards 5

Metrobank Tops 2025 PDS Annual Awards

May 8, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.