
www.facebook.com/mitoshmagsaysay)
Nainsulto at nabastos umano ang mga lokal na UNA line up na pinangungunahan ni former Zamboanga del Norte congressman Romeo Jalosjos, Sr. sa pangiisnab ni Magsaysay. Ngunit ang masakit pa umano ay nakipagkita si Mitos sa ibang partido na kalaban naman ng UNA.
“Nabastos at nainsulto kami ng husto sa ginawa nitong si Mitos at dahil diyan ay nagalit si Nonong (Jalosjos) at ipinag-utos na huwag ng isama sa lahat ng campaign materials at propaganda ang pangalan ni Mitos at hindi lamang sa Zamboanga City ngunit sa buong Western Mindanao na kung saan ay malakas ang mga Jalosjos,” ani pa ng isang opisyal ng lokal na UNA sa impormasyon na ipinasa nito sa regional newspaper Mindanao Examiner.
“Siguradong lalangawin yan si Mitos sa Western Mindanao, lalo na identified pa siya kay (dating Pangulo at ngayon Pampanga Congresswoman) Gloria (Arroyo). Yan ang resulta ng kanyang pambabastos at pagiinsulto sa lokal na UNA,” dagdag pa nito.
Hindi naman agad makunan ng pahayag si Mitos, na ang tunay na pangalan ay Ma. Milagros Habana-Magsaysay, na kilalang ka-alyado ni Arroyo. (Mindanao Examiner)