
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 4, 2013) – Binaha kahapon ang ilang bahagi ng downtown Zamboanga City matapos na bumuhos ang malakas na ulan.
Lubog ang kahabaan ng Pilar Street dahil sa ilang oras na ulan, ngunit wala naman inulat na pinsala.
Sa mga larawan na inilagay sa Facebook ay makikita ang mataas na baha sa naturang lugar at umani rin ito ng batikos mula sa mga netizens dahil halos ito ang nasasaksihan sa tuwing malakas ang buhos ng ulan.
Kalimitan idinadahilan ng lokal na pamahalaan ay ang basurang nakabara sa mga drainage system at ang mababang lugar doon. Ngunit ang kakulangan sa drainage system naman dito ang sinisi ng mga iba.
Maging ang Barangay Vitali na kalimitang binabaha ay muling nalubog sa maraming tubig dahil sa pag apaw naman ng ilog doon. (Mindanao Examiner)