ZAMBOANGA CITY – Isang parak na diumano’y nakainom ng alak ang inireklamo matapos na magpaputok ito ng kanyang armas sa Zamboanga City.
Sinabi kahapon ni Insp. Dahlan Samuddin, ang regional police spokesman, na nakilala ang parak na si SPO2 Rogelio Perez na naka-destino sa Station 6 sa Barangay Tetuan.
Nabatid sa ulat ni Samuddin na isang ginang ang nagsumbong sa Station 6 ukol sa diumano’y pagpapaputok nito ng baril Dakong ala-una ng madaling araw sa harapan ng Nathalie Store sa Natividad Street sa nasabing barangay.
Mabilis naman ang naging responde ng mga parak at natagpuan si Perez at isinuko nito ang kanyang 9mm Berretta pistol, ayon kay Samuddin.
“Immediately elements of said police station proceeded to the place and upon reaching thereat, SPO2 Perez when confronted, voluntarily turned-over his issued firearm 9mm Berretta with serial number MO1325Z and ten live ammos. Said police officer believed to be under the influence of liquor,” pahayag pa ni Samuddin.
Hindi naman agad mabatid kay Samuddin kung kakasuhan ba ang parak sa kanyang indiscriminate firing. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News