ZAMBOANGA CITY – Inilagay na ngayon sa ilalim ng state of calamity ang buong lungsod ng Zamboanga dahil sa epekto ng El Nino na kung saan ay nirarasyon na rin ang tubig sa ibat-ibang barangay dito.
Sinabi ni Mayor Beng Climaco na bumaba na ang level ng tubig sa dam at ngayon ay nasa kritikal na antas na kung kaya’t napilitang ang Zamboanga City Water District na magpatupad ng rasyon sa tubig – 12 oras lamang maaaring magamit ang tubig.
“As the water level at the Pasonanca diversion dam has reached critical level due to the dry spell, the City Council during its maiden session Tuesday approved the declaration of Zamboanga City under a state of calamity,” ani Climaco.
Ang deklarasyon ng state of calamity na base rin sa rekomendasyon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ay bunsod sa hiningi ng Zamboanga City Water District upang magamit nito ang calamity funds upang maagapan ang malawakang epekto ng tag-init dito.
“Given the continuous decline in the water level, the water firm’s calamity fund could not be accessed unless a state of calamity is declared by the local government through the City Council upon the recommendation of the CDRRMC,” paliwanag pa ni Climaco.
Hindi naman agad mabatid ang pinsala ng weather phenomenon sa mga taniman dito, subali’t hindi naman agricultural city ang Zamboanga. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates