ZAMBOANGA CITY – Sa kabila ng kanyang kahirapan sa buhay ay nanaig sa isang tricycle driver ang pagiging tapat sa sarili matapos nitong isauli ang malaking halaga ng salapi at iba pang mga importanteng bagay na naiwan ng isang pasahero sa Zamboanga City.
Isang bag ang natagpuan ni Sonny Lismis kamakalawa sa kanyang tricycle at ng buksan ito ay laking ng makita ang maraming pera na nagkakahalaga ng mahigit sa P40,000 at may iPhone 5 pa ito at mga papeles.
Naroon rin ang isang identification card na pagaari ni Jijang Marah. Hindi umano nagdalawang isip si Sonny na ibalik sa may-ari ang nasabing bag, kung kaya’t nagtungo ito sa isang himpilan ng radyo – Brigada Zamboanga – at nanawagan kay Jijang na kunin ang pagaari.
“Public service para kay Jijang Haiber Marah, nandito po sa Brigada Zamboanga yung naiwan nyong bag. Sinauli ng tricycle driver. May mga ID’s, pera at cellphone. Kung sino man ang nakakakilala kay Jijang Haiber Marah, kung maaari po papuntahin siya sa Brigada Zamboanga nang sa ganun ay maisauli namin sa kanya ang kanyang naiwang bag,” ani pa ng radyo sa panawagan nito.
Iniwan ni Sonny ang bag at lahat ng laman nito sa naturang himpilan ng radyo. Hindi na umano nagpangp-abot ang dalawa ngunit todo naman ang pasasalamat ni Jijang ng malamang nasa Brigada Zamboanga ang kanyang bag at ang salapi.
Umani naman ng maraming pagbati sa himpilan ang ginawa ni Sonny at sa magandang puso nito at pagiging honest. Sinabi naman ni Sonny kinalikhan nito ang pangaral ng mga magulang na maging tapat sa lahat ng pagkakataon. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper