UMANI NG BATIKOS ang Zamboanga City Medical Center o mas kilala sa tawag na Zamboanga General Hospital matapos na umano’y mabigo ito na makuha ang isang pasyenteng may sakit dahil sa palpak na serbisyo.
Ito ang inireklamo ni A. Arceo Amio at sa kanyang comment sa Facebook page ni Mayor Beng Climaco ay isinalaysay nito ang mapait na karanasan na kanilang na sinapit ng kanyang nakaratay na kapatid sa kanilang bahay sa Barangay Tugbungan, at sa kabiguan diumano ng Zamboanga City Medical Center na matugunan ang kanilang medical emergency.
Sa kanyang post, sinabi ni Amio na umaga pa lamang ay tumawag na sila sa Zamboanga City Medical Center upang makuha ang kapatid at agad na madala sa pagamutan, ngunit inabot na umano sila ng alas 4 ng hapon ay wala pa rin dumating na ambulansya.
Unang idinahilan ng Zamboanga City Medical Center ay ang kawalan ng stretcher dahil ginamit umano ito ng isang pasyente kung kaya’t hindi masundo ang kapatid nito. Maging ang rescue unit ng Barangay Tugbungan ay nilapitan rin ni Amio ngunit wala rin itong stretcher.
Napilitan ang pamilya ni Amio na tumawag na lamang ng ambulansya sa pribadong West Metro Hospital upang dalhin sa pagamutan ang kapatid, ngunit bukod sa napasama ang kalagayan ng pasyente ay nagbigay rin ng malaking problema sa kanila ang mataas na bayarin sa ospital.
Nabatid na nasa Intesive Care Unit ngayon sa West Metro Hospital ang kapatid ni Amio na isang legal researcher pala ni Konsehal Kim Elago.
Narito ang buod ng post ni Amio: “I HOPE MARAMING MATUTULUNGAN YAN AT SANA MAY SAPAT N MGA STRETCHER YAN… Kasi dyan sa general hospital nung Sunday emergency nga dapat ifetch nila yun brother ko dito sa tugbungan chimang. Kaso ang sagot sa amin hinihintay pa daw nila yun stretcher n ginamit daw ng pasyente NASA xray daw.”
“Ibig sabihin walang sapat na stretcher ang gen.hospital????? Kaya ayun imbes na makatulong sila napilitan nlng kaming iadmit sa West Metro hospital… Namomroblema pa tuloy kami hagilap ng pera. Kasi nga may difference tlga ang payment . makakatipid n sana kami kaso yun nga inignore kami ng ambulance ng gen.hospital. ang tagal ng oras n hinintay nmin sa kanila. Napasama pa kalagayan ng kuya ko tuloy!!!!”
“Mga walang awa. Katunayan umaga ng Oct 27 2019 sunday tumawag kami ambulance nag 4 pm nlng ng hapon masama n tlg kalagayan ng kuya ko kasi nga bedridden. di mklakad so dapat istretxher tlg! Pero pinaasa lang kami ng ambulance na yun ng general hospital. GOD SPEED NLNG SA MAY KAGAGAWAN AT KAKULANGAN NG HOSPITAL AMBULANCE NA YUN… ANG TUGBUNGAN NAMAN MAY RESCUE AMBULANCE NGA WALA NMANG STRETCHER PAANO MAKARGA YUN PASYENTE. GRABE MGA NEGLIGENCE!!!!”
“Ang sama lang tlg ng loob ko gaya ngaun lumala lalo kalagayan ng kuya ko nasa ICU sya ngaun. Kahit cguro check nyo pa. Kahit mahirap lang kami ang kuya ko bilang isang legal researcher ni atty Elago maraming natulungan ang kuya ko lalo na mga hikahos at salat din sa buhay. sana ganun din kau kung tumulong bukal sa loob at di pakitang tao lang.”
Hindi naman agad makunan ng pahayag ang Zamboanga City Medical Center ukol sa alegasyon ni Amio. Ngunit marami na rin reklamo laban sa Zamboanga City Medical Center dahil sa mga palpak na serbisyo nito. (Zamboanga Post)
Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Read And Share Our News: Mindanao Examiner Website
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates